Mga militanteng grupo sumugod sa Camp Crame, pulis nakapatay sa 14 na magsasaka pinalalabas kay PNP Chief Albayalde

By Jong Manlapaz April 02, 2019 - 02:25 PM

Photo Credit: Joseph Cuevas/ Kodao

Sumugod sa gate ng Camp Crame sa Edsa QC ang iba’t ibang militanteng grupo, para kundenahin ang pagkamatay ng 14 na magsasaka sa Negro Occidental.

Dala-dala ng grupo ang mga placard na nakasulat ang mga pangalan ng mga magsasakang nasawi sa umano’y police operation sa lugar.

Umapela rin ang grupo kay PNP Chief police general Oscar Albayalde na ilabas ang mga pangalan ng pulis na sangkot sa operasyon.

Una ng itinanggi ng PNP na massacre ang nangyari, isa umano itong lehitimong operasyon na magsisilbi ng arrest warrant pero pumalag umano ang mga nasawi, habang 12 pa ang inaresto.

TAGS: Camp Crame, Mga militanteng grupo, negros 14, PNP Chief Albayalde, pulis nakapatay sa 14 na magsasaka pinalalabas, sumugod, Camp Crame, Mga militanteng grupo, negros 14, PNP Chief Albayalde, pulis nakapatay sa 14 na magsasaka pinalalabas, sumugod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.