Pension ng mga Senior Citizens, nais doblehin ni Angara
Dodoblehin ni Reelectionist Senator Sonny Angara ang pension ng lahat ng senior citizen sa buong bansa kung maluklok muli bilang senador, ayon sa kanyang may bahay na si Tootsy Angara.
Mula sa P500-pension, madodoble ito at magiging P1,000 sa kada senior citizen.
Para kasi sa senador, itinuturing bilang VIP o Very Important Person ang mga senior citizen.
Bukod dito, ibinida rin ni Tootsy ang plataporma ng asawa na Universal Health Care, libreng edukasyon para sa mga Kindergarden at kolehiyo, permanenteng 20% fare discount sa mga estudyante buong taon, at pagdoble sa sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Dagdag pa ni Tootsy, nagbigay din umano ng tulong na free wifi at classrooms sa SUCs at medical assistance sa isang ospital sa Zamboanga del Norte.
Aniya pa, mayroong busilak na puso, mapag-alaaga, at tapat sa lahat ng pagkakataon si Angara.
Ibinida rin ni Tootsy ang kasaysayan ng mga Angara sa pagbibigay ng boses at pag-aalaga sa mga senior citizen na nais nilang ipagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.