INC itinangging mayroon silang offshore bank accounts

By Jay Dones December 03, 2015 - 04:26 AM

 

Inquirer file photo

Hinamon ng Iglesia Ni Cristo ang dalawa nilang itiniwalag na ministro na maglabas ng ebidensya kaugnay sa ibinibintang na umano’y Swiss o Cayman Islands bank accounts ng kanilang mga pinuno.

Ayon kay Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC, walang katotohanan ang mga panibagong bintang nina Isaias Samson Jr., at Vincent Florida na may mga offshore accounts ang INC na pinagtataguan ng kanilang mga makukuhang koleksyon mula sa Amerika.

Ayon kay Zabala, may istriktong protocol na sinusundan ang INC kaugnay sa mga donasyon at koleksyon at ito ay dumadaan sa masusing auditing.

Ang istriktong alituntunin na ito aniya ang dahilan kung bakit nabigyan sila ng tax-exempt status ng Estados Unidos.

Iginiit ni Zabala na idinedeposito ang mga koleksyon sa isang bangko at nabubuksan lamang ng kanilang main office sa California.

Handa aniya ang Iglesia na pumirma ng waiver kung sakaling may katibayan sina Samson at Florida na may mga offshore accounts ang kanilang mga pinuno.

Matatandaang una nang isiniwalat ni Samson na posibleng itinatago sa isang account sa Cayman Islands ang cash donations ng mga kongregasyon sa Amerika na direktang kinokolekta umano ng isan auditor na nanggagaling pa sa Pilipinas.

Samantala, naghain naman kamakailan si Florida ng reklamo sa US Internal Revenue Service dahil sa tax fraud laban sa INC.

Gayunman, ayon pa rin kay Zabala, batay aniya kay IRS special agent Arlette Lee, walang ganitong reklamong inihahain laban kina INC Executive Minister Eduardo V. Manalo at INC General Auditor Glicerio Santos Jr. sa alinmang korte sa Amerika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.