CSC gustong ipagbawal ang cellphone sa mga front liner sa gobyerno

By Dona Dominguez-Cargullo April 02, 2019 - 11:42 AM

Nais ni Civil Service Commissioner Aileen Lizada na maipagbawal ang paggamit ng cellphones sa mga empleyado ng gobyerno lalo na sa mga itinuturing na front liners.

Sa ngayon kasi sinabi ni Lizada na wala pang polisiya hinggil sa paggamit ng cellphone.

Nakatakdang magsagawa ng regional visit si Lizada sa mga ahensya ng gobyerno para mag-inspeksyon.

Matapos ito maari aniyang makabuo siya ng desisyon.

Mula nang maitalaga sa pwesto ay nagsasagawa ng inspeksyon si Lizada sa mga tanggapan ng gobyerno sa iba’t ibang rehiyon.

Ani Lizada, dapat matiyak na maayos ang serbisyo ng mga empleyado ng gobyerno dahil mataas na ang kanilang sweldo.

TAGS: Cellphone Ban, csc, front liners, government employees, Cellphone Ban, csc, front liners, government employees

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.