Pahayag na BFAR na dapat iwasan ng mga mangingisdang Pinoy ang West PH Sea sampal sa mukha ng bansa – Casilao

Binatikos ni Anakapawis Rep. Ariel Casilao ang pahayag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Eduardo Gongona na dapat iwasan ang Panatag Shoal dahil okupado na ito ng mga Chinese vessels.

Ayon kay Casilao, maituturing na sampal sa mukha ang pahayag ni Gongona.

Mistula anyang isinusuko na ng bansa ang claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea bukod pa sa nilalabag din nito ang mandato ng kanyang tanggapan.

Paliwanag ng mambabatas, nilikha ang BFAR sa ilalim ng Presidential Decree 461 at napagtibay sa ilalim ng RA 8550 o Fisheries Code of 1998 kung saan mandato ng ahensya na magpatupad ng batas at bumuo at ipatupad ang mga rules at regulations para sa conservation at pangangalaga ng fishery resources.

Sakop ng Fisheries Code ang lahat ng Philippine water kasama dito ang karagatang sakop na may soberanya at hurisdiskyon ang Pilipinas.

Napabayaan din anya ng BFAR ang kanilang tungkulin mula pa noong 2015 matapos na malugi ang bansa ng P4.8 Billion sa mga Chinese reclamation projects.

Hinamon ni Casilao si Gongona na ipatupad na ng BFAR ang mandato sa Panatag Shoal sa pamamagitan ng pag-check sa mga permits ng mga Chinese vessels at gawin ang trabaho ng ahensya.

Read more...