Argumento ng mga mambabatas sa 2019 budget ikinukunsidera ni Pangulong Duterte

By Chona Yu April 02, 2019 - 11:10 AM

Matiyagang binabantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bangayan ng kamara at senado sa 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, lahat ng argumento ng mga mambabatas ay kinukunsidera ng pangulo lalo na sa usaping constitutional issues.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na hindi na hihingi ang palasyo sa kongreso ng listahan ng mga kinakailangang i veto na line item.

Sapat na aniya ang pahayag ng mga mambabatas sa media.

Base sa pahayag ni Congressman Rolando Andaya, tinapyasan ng senado ang budget para sa Build Build Build program.

Pagtitiyak pa ni Panelo, lalagdaan ni Pangulong Dduterte ang budget sa lalong madaling panahon at kapag natapos na ang pagbusisi sa pambansang pondo.

TAGS: national budget, president duterte, Radyo Inquirer, national budget, president duterte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.