WATCH: Kampanya para sa mga lokal na kandidato sa Metro Manila nananatiling payapa – NCRPO

By Dona Dominguez-Cargullo April 02, 2019 - 09:49 AM

Nananatiling payapa ang kampanya ng mga local candidates ilang araw matapos itong magsimula.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar, sa nagdaang mga araw mula nang mag-umpisa ang lokal na kampanya ay walang naitatalang untoward incidents ang pulisya.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, nagpasalamat din Eleazar sa kooperasyon ng mga kandidato at ng publiko.

Umaasa naman si Eleazar na magtutuluy-tuloy ang payapa at maayos na sitwasyon ng kampanya ng mga local candidate sa NCR.

Umapela din si Eleazar sa mga kandidato na panatilihin ang payapang sitwasyon hanggang sa maidaos ang halalan.

TAGS: campaign period, Local elections, NCRPO, Radyo Inquirer, campaign period, Local elections, NCRPO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.