Driver’s license ni GMA actor Migo Adecer, peke – Makati police

By Dona Dominguez-Cargullo April 02, 2019 - 09:38 AM

Mahaharap sa kasong kriminal si GMA actor Migo Adecer.

Ito ay makaraang matuklasan ng Makati Police na peke pala ang driver’s license na gamit nito at iprinisinta niya sa mga otoridad nang siya ay makasagasa ng dalawang tauhan ng MMDA.

Ayon sa Makati police, kasong Falsification of Public Documents ang kakaharapin ni Adecer.

Base kasi sa pakikipag-ugnayan ng Makati police sa Land Transportation Office (LTO) ay napatunayang peke ang kaniyang lisensya.

Ang 19 anyos na Starstruck winner ay inaresto matapos niyang masagasaan ang dalawang tauhan ng MMDA at pagkatapos ay tinangka pa niyang tumakas.

Dinala sa presinto si Adecer ay pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa.

TAGS: Driver's license, fake license, lto, Migo Adecer, StarStruck, Driver's license, fake license, lto, Migo Adecer, StarStruck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.