WATCH: NCRPO magtataas ng alerto bilang paghahanda sa Holy Week

By Dona Dominguez-Cargullo April 02, 2019 - 09:31 AM

Magtataas ng alerto ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Holy Week para masiguro ang seguridad ng mga mamamayan.

Ayon kay NCRPO chief, Police Major General Guillermo Eleazar, itataas ang full alert status sa kanilang hanay.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Eleazar na kanselado na rin ang leave at walang day off ang mga pulis ng NCRPO.

Tuwing sumasapit ang Semana Santa, maraming bumibiyahe para umuwi sa mga lalawigan at magbakasyon.

Dumadagsa din ang publiko sa mga pilgrimage sites at iba’t ibang mga simbahan.

Sa ngayon ayon kay Eleazar, nasa heightened alert ang Metro Manila.

Bagaman walang malinaw at kumpirmadong banta, sinabi ni Eleazar na mabuti nang maging handa at maingat.

TAGS: Alert status, Holy Week, NCRPO, Radyo Inquirer, Alert status, Holy Week, NCRPO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.