Sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Martes, Apr. 2, ang water level sa Angat dam ay nasa 192.36 meters na lamang.
Mas mababa ito kumpara sa 192.76 meters kahapon.
Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.51 meters ang water level, bumaba din kumpara sa 68.53 meters kahapon.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa iba pang mga dam sa Luzon.
Kabilang dito ang Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.
READ NEXT
Paglikha ng Department of Water tinalakay sa cabinet meeting; road map para labanan ang El Niño inilatag
MOST READ
LATEST STORIES