Paglikha ng Department of Water tinalakay sa cabinet meeting; road map para labanan ang El Niño inilatag
Para matugunan ang epekto ng El Niño at kakapusan ng suplay ng tubig, tinalakay sa 36th cabinet meeting, Lunes (Apr. 1) ng gabi ang panukalang paglikha ng Department of Water.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bukod sa paglikha sa Department of Water, tinalakay din ang panukalang pagtatag sa Department of Disaster Resilience.
Kabilang na rito ang immediate, medium and long-term interventions gaya ng pagpapaigting ng water at energy conservation.
Ayon kay Panelo, pinag-usapan din ang dredging ng waterways, replacing tunnels and aqueducts, paglalagay ng water tank systems sa lahat ng Department of Health (DOH) hospitals at pagbibigay ng pondo para sa pagtatayo ng mga water treatment plants.
Iprinisinta naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Adoracion Navarro ang panukalang Executive Order na magpapaigting sa National Water Resources Board (NWRB).
Sa ilalim ng panukalang EO, pag-iisahin na ang NWRB at River Basin Control Office bilang National Water Management Council (NWMC).
Dahil dito magkakaroon na ng streamlining at mapag-iisa ang planning at regulation sa lahat ng water at river basins sa buong bansa at kalaunan ay ibabalangkas ang National Water Management Framework Plan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.