DBM OIC Janet Abuel itinalaga nang acting secretary ng ahensya

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang acting secretary sa Department of Budget and Management (DBM) si Janet Abuel.

Si Abuel ay unang itinalaga bilang officer-in-charge sa DBM noong March 5 matapos na maitalaga bilang Bangko Sentral ng Pilipinas governor si Benjamin Diokno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inanunsyo ni Pangulong Duterte ang appointment kay Abuel sa pag-uumpisa ng cabinet meeting Lunes (Apr. 1) ng gabi.

Si Abuel ay nagtapos ng Master of Public Administration sa Lee Kwan Yu University sa Singapore at Master of Laws sa University of Sydney sa Australia. (END/DD)

Read more...