LeBron James hindi maglalaro sa World Cup, pero posibleng makalahok sa Olympic Games sa 2020

By Dona Dominguez-Cargullo April 02, 2019 - 07:58 AM

NBA Photo
Hindi makalalaro sa World Cup sa china ngayong taon si NBA MVP LeBron James.

Pero posibleng makalaro ito para sa defending champion na US team sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Ayon kay James, posibleng lumaro siya sa Olympics pero depende pa ito sa kaniyang magiging desisyon sa susunod na taon.

Magugunitang sa nakalipas na 14 na taon, ngayon lamang hindi nakapasok si James sa NBA playoffs matapos tuluyang malaglag para sa finals ang koponan nitong Los Angeles Lakers.

Sa website ng The Athletic, sisimulan na ni James ngayon taon ang pagbuo ng “Space Jam 2” habang off-season ang NBA.

Ang Space Jam 2 ay sequel ng Space Jam movie na pinagbidahan noon ni Michael Jordan.

Sa July 2021 nakatakdang ilabas ang pelikula.

TAGS: LeBron James, Los Angeles, NBA, Olympic Games in Tokyo, Space Jam 2, World Cup in China, LeBron James, Los Angeles, NBA, Olympic Games in Tokyo, Space Jam 2, World Cup in China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.