Northern Luzon apektado ng tail end ng cold front, easterlies umiiral sa malaking bahagi ng bansa

Tail end ng cold front at easterlies ang umiiral na weather system ngayong araw sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ang tail end ng cold front ay maghahatid ng mahihinang pag-ulan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon, partikular sa Cagayan Valley at sa Cordillera Administrative Region.

Sa Ilocos Region, makararanas ng maaliwalas na panahon na may tsansa ng mahihinang pag-ulan.

Ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng mainit at maalinsangang panahon na may mahihina at kalat-kalat na pag-ulan.

Mainit at maalinsangang panahon din ang inihahatid ng easterlies sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang buong Visayas ay makararanas ng maaliwalas na panahon ngayong araw at magkakaroon lamang ng isolated thunderstorms.

Habang sa Mindanao, dahil sa easterlies ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may pagkulog at pakidlat sa rehiyon ng Caraga.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao.

Nakataas naman ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Batanes, Babuyan, Calayan, Cagayan at Northern Coast ng Ilocos Norte.

Read more...