Ban sa mga liquid item sa LRT-1 lifted na mula ngayong araw

Inalis na ng pamunuan ng LRT-1 ang umiiral na ban sa mga liquid item sa kanilang mga tren.

Epektibo ang lifting ng ban mula ngayong araw, April 2 ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Magugunitang ipinatupad ang pagbabawal sa liquid items sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3 bilang bahagi ng mas mahigpit na seguridad matapos ang naganap na Jolo cathedral bombing.

Sa MRT-3 ay pinapayagan na ang mga liquid item na ang sukat ay 100ml lang at pababa, basta’t sasailalim ito sa pagsusuri ng mga gwardya.

Read more...