DA tiniyak na may tulong para sa mga magsasaka na apektado ng El Niño

By Rhommel Balasbas April 02, 2019 - 04:46 AM

Nagbigay ng katiyakan ang Department of Agriculture (DA) na mabibigyan ng tulong ang mga magsasaka na kasalukuyang apektado ng nararanasang weak El Niño.

Ayon kay Agriculture Director Chris Morales, ang mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ay maaaring mabigyan ng tulong pinansyal mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.

Maaari rin umanong mag-avail ang mga magsasaka ng survival recovery funds sa pamamagitan ng P5,000 grant at P15,000 na soft loans maging ng mga fertilizers at pananim sa kasagsagan ng planting season.

Sinabi ni Morales na pinakaapektadong agricultural products ang palay at mais.

Iginiit ng opisyal na sinusubukan ng DA na sagipin ang ilang mga lugar sa pamamagitan ng water management.

Mayroon ding ipinahihiram na pumping engine ang field offices ng kagawaran para sa mga magsasaka.

Ayon pa kay Morales, tuloy-tuloy din ang koordinasyon ng DA sa PAGASA at Air Force para sa pagsasagawa ng .

TAGS: Agriculture Director Chris Morales, air force, cloud seeding operations, Department of Agriculture, El Niño, magsasaka, mais, Pagasa, palay, State of Calamity, survival recovery funds, tulong, Agriculture Director Chris Morales, air force, cloud seeding operations, Department of Agriculture, El Niño, magsasaka, mais, Pagasa, palay, State of Calamity, survival recovery funds, tulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.