James, hindi na maglalaro sa huling 6 na laro ng Lakers

By Len Montaño April 02, 2019 - 04:36 AM

Hindi na makakasama si Lebron James sa huling 6 na laro ng Los Angeles Lakers sa kasalukyang NBA season para tuluyan nang gumaling ang singit nito.

Ayon kay Lakers president Magic Johnson at general manager Rob Pelinka, ito ay para makarekober si James mula sa groin injury na nakuha nito sa laban noon pang Pasko.

Naniniwala ang pamumuan ng koponan na makakatulong ang pahinga ni James para sa tagumpay nito at ng Lakers sa hinaharap.

Si James ay natapos sa regular season na may average 27.4 points, 8.5 rebounds at 8.3 assists sa loob ng 55 laro.

Samantala, muling hindi nakapasok ang team sa ika-anim na sunod na beses kaya nahinto rin ang record ni James na 13 playoff appearances at walong sunod sa NBA Finals.

TAGS: Groin Injury, hindi maglalaro, huling 6 na laro, la. lakers, LeBron James, NBA, singit, Groin Injury, hindi maglalaro, huling 6 na laro, la. lakers, LeBron James, NBA, singit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.