Jim Paredes, inamin na totoo ang kanyang sex video
Matapos na unang sabihin na peke ang kumalat sa social media, inamin na ng singer na si Jim Paredes na totoo ang alegasyon na mayroon siyang sex video.
Sa statement sa jimparedes.com, sinabi ni Paredes na mahirap sa kanya ang pagsulat ukol sa sex video at masakit naman ito para sa mga makakabasa.
Ayon sa dating Apo Hiking Society singer, totoo ang video pero ito anya ay pang pribado lamang at hindi para sa publiko.
Hindi alam ng singer kung paano kumalat ang video pero nagpahiwatig ito na posibleng may halong pulitika ang paglabas nito.
“The video was real. It was private, and not meant for public consumption. I do not know how it became public. I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by violating my privacy and digging up dirt on me are at work,” ani Paredes.
Nang makita umano ni Paredes ang video sa social media ay hindi niya alam kung paano ito sasagutin.
Pero matapos mag-isip at magdasal ay nagdesisyon itong aminin ang video.
Sa huli ng kanyang pahayag ay humingi ito ng paumanhin sa kanyang pagiging iresponsable at sa mga nadismaya sa kanya.
“I have never tried to project myself as perfect. Of all the sins in this world, I believe sex is the most human of all. I am not saying this to excuse what, I regret, was broadcast on social media. I have always expressed my feelings freely. Today, I wish to express my truth. I am a flawed person, a human being, much like everyone else. I made a mistake, I was irresponsible. And I am truly sorry,” dagdag ng singer.
Kahit umasam na hindi siya kuyugin ng mga netizens ay dumagsa ang bumisita sa mga social media accounts ni Paredes, dahilan para isara muna nito ang mga sites at gawing pribado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.