Manila mayoralty candidates lumagda sa peace covenant

Isang peace covenant ang nilagdaan ng mga kandidato para sa pagka-Alkalde ng Lungsod ng Maynila sa Manila Cathedral araw ng Lunes.

Layon ng covenant signing na magkaroon ng mapayapa at tapat na halalan sa Mayo.

Pinangunahan ng Commission on Elections (Comelec) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang covenant signing.

Personal na lumagda sina dating Vice Mayor Iskor Moreno at dating Mayor Alfredo Lim.

Kumatawan naman para kay Mayor Joseph Estrada si City Administrator Jojo Alcovendras.

Iginiit ni Moreno na kaisa silang mga kandidato sa panawagan ng Comelec para sa maayos, mapayapa at tapat na halalan.

Read more...