Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng North Cotabato alas-2:25 madaling araw ng Martes.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 18 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Antipas.
May lalim ang pagyanig na 22 kilometro at tectonic ang dahilan.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Kidapawan City, North Cotabato.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.