Panelo: Loan agreements ng Pilipinas sa China napagkasunduan nang patas
Iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang mga utang na pinasok ng Pilipinas sa China ay napagkasunduan sa mga patas na kondisyon.
Ito ay sa gitna ng mga pangambang mauuwi ang Pilipinas sa debt trap dahil sa mga proyektong popondohan ng China tulad ng Kaliwa Dam Project at Chico River Irrigation Project.
Sa pulong ni Panelo kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua Lunes ng hapon ay napag-usapan ang mga kontrobersyal na loan agreements.
Ani Panelo, ang negosasyon para sa mga utang ay naisagawa ‘on equal footing’ o patas.
“On Philippine loan agreements with China, both officials share a similar view that the terms of the agreements were competently and fully negotiated by both parties on equal footing,” giit ni Panelo.
Ayon pa sa kalihim, sinabi umano ni Zhao na ang magandang ekonomiya ng bansa ang dahilan ng China kaya’t pinasok nito ang mga kasunduan.
“According to Ambassador Zhao, it is the strong and robust economy of the Philippines that led the Chinese Government to extend preferential credit terms for the country’s infrastructure plans,” dagdag ni Panelo.
Nauna nang nagbabala si dating Pangulong Benigno Aquino III sa administrasyong Duterte tungkol sa panganib na pwedeng idulot ng mga kasunduan sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.