Seguridad para sa Semana Santa at summer vacation pinaigting ng PNP

By Rhommel Balasbas April 02, 2019 - 02:38 AM

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa mga commercial establishments, mga pampublikong lugar tulad ng bus terminals at mga pantalan kaugnay ng paggunita sa Semana Santa at summer vacation.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, inilunsad na ang Ligtas Sumvac 2019 na layong tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Tiniyak na rin ni PNP Chief General Oscar Albayalde na handa ang buong PNP para sa Semana Santa at bakasyon.

Nasa 8,000 pulis ang ipakakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, hinimok ni Banac ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad.

Inatasan ng police official ang mga security guards sa buong bansa na maging mahigpit sa pagsita sa mga bagahe at dalahin upang maiwasan ang mga insidente.

Binalaan din ang mga tulak ng droga na may kalalagyan umano ang mga ito sakaling mag-operate sa mga bars, clubs at resorts na mahigpit na babantayan ng PNP.

Dahil sa pagtaas ng mga insidente ng akyat-bahay at salisi ay pinayuhan din ang publiko na ingatan ang kanilang mga kagamitan.

Samantala, pinaiiwas din ang publiko sa pagpopost ng kanilang vacation plans sa social media.

TAGS: Ligtas Sumvac 2019, pinaigting, PNP chief General Oscar Albayalde, PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, Seguridad, Semana Santa, summer vacation, Ligtas Sumvac 2019, pinaigting, PNP chief General Oscar Albayalde, PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, Seguridad, Semana Santa, summer vacation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.