Arjo Atayde, umamin sa pagmamahal kay Maine Mendoza

By Len Montaño April 02, 2019 - 02:14 AM

Nagsalita na si Arjo Atayde sa sinasabing relasyon nila ni Maine Mendoza.

Sa guesting sa isang talk show araw ng Lunes, inamin ni Arjo na magkasama sila ni Maine sa mga “proud moments.”

Ipinaparating ng aktor ang kanyang pagtingin sa phenomenal star sa pamamagitan ng mga panahon na sila ay magkasama.

Mas gusto umano ni Arjo na paraan ng pagpapakita ng pagmamahal kay Maine ay sa pamamagitan ng pagkakaroon nila ng “quality time.”

Gustong gusto umano ng binata na kasama ang dalaga.

Pag-amin pa ni Arjo, kinabahan siya nang ligawan si Maine lalo na sa pagpapakilala sa pamilya ng dalaga.

Pero sa kabila ng pagiging malapit ay nilinaw ni Arjo na nasa “dating phase” pa rin sila ni Maine.

Kapuna puna naman ang pagiging masayahin at inspirado ng binata dahil sa kanyang mahal na si Maine.

TAGS: Arjo Atayde, dating phase, inspirado, ligawan, Maine Mendoza, proud moments, quality time, relasyon, talk show, Arjo Atayde, dating phase, inspirado, ligawan, Maine Mendoza, proud moments, quality time, relasyon, talk show

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.