2 lalaki nahulihan ng P3.2M halaga ng marijuana at shabu sa Mt. Province

By Len Montaño April 02, 2019 - 01:51 AM

Contributed photo

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng 26 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng P3.2 milyon at 16.6 grams ng shabu.

Ayon sa pulisya, bumibyahe sina Arvin Pino Vigilia at Juan Radly Reyes sa Baguio-Bontoc Road nang maharang sila sa checkpoint sa Alab Proper village sa bayan ng Bontoc.

Nang masita sa checkpoint, sinabi ng mga lalaki na mga local tourists sila.

Nasamsam din ng mga pulis mula sa dalawa ang 12 tubular marijuana at 21 marijuana sticks gayundin ang ilang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Bukod sa kasong droga, nahaharap din ang mga suspek sa reklamong illegal possession of firearms at paglabag sa election gun ban dahlia nakuhanan sila ng .45 caliber Norinco pistol na may pitong live ammunition pero walang kaukulang dokumento.

TAGS: .45 caliber Norinco pistol, Baguio-Bontoc Road, checkpoint, Election gun ban, illegal possession of firearms, local tourists, Marijuana, marijuana sticks, Mt Province, P3.2M halaga, shabu, tubular marijuana, .45 caliber Norinco pistol, Baguio-Bontoc Road, checkpoint, Election gun ban, illegal possession of firearms, local tourists, Marijuana, marijuana sticks, Mt Province, P3.2M halaga, shabu, tubular marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.