Heart relic ni St. Camillus nakaalis na matapos ang 2 buwang pagbisita

By Angellic Jordan April 02, 2019 - 01:18 AM

Manila Cathedral FB photo

Nakaalis na ang heart relic ni St. Camillus de Lellis sa Pilipinas matapos ang dalawang buwang pagbisita nito.

Si St. Camillus de Lellis ang patron saint ng mga may sakit, health workers at ospital.

Ayon kay Camillian Fr. Dan Cancino, nasorpresa siya sa libu-libong Filipinong deboto ng heart relic.

Aniya, ipagpapatuloy ang pag-ikot ng relic sa mga ospital, kulungan para tumulong sa mga nangangailangan.

Inikot ang heart relic sa 22 na archdiocese at dioceses sa bansa.

Maliban dito, dinala rin ang relic sa 29 ospital, 15 parish church at 12 bahay ng mga matatanda kasama ng mga bahay ng mga may sakit na pari at madre.

Dumating ang heart relic sa Maynila noong February 2 at nakatakda namang dalhin sa Indonesia.

TAGS: deboto, Fr. Dan Cancino, heart relic, patron saint, St. Camillus de Lellis, deboto, Fr. Dan Cancino, heart relic, patron saint, St. Camillus de Lellis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.