Epektibo na ang unang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo matapos ang pitong linggo.
Lahat ng kumpanya ng langis ay may bawas na P0.30 kada litro ng diesel habang P0.10 naman sa kada litro ng gasolina.
Ang Petron, Shell, Caltex, Seaoil ay may tapyas na P0.20 sa bawat litro ng kanilang kerosene o gaas.
Simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, nagpatupad ng rollback ang Seaoil, Caltex at Eastern Petroleum na susundan ng iba pa mamayang alas-6:00 ng umaga.
Sa isang pahayag, sinabi naman ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na maliit at nakakainsulto ang kakarampaot na rollback sa presyo ng petrolyo.
Muling ipinanawagan ng grupo na alisin ang excise tax sa langis at ibasura ang deregulation na kapwa pahirap umano sa bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.