Bodega ng pagawaan ng cupcake sa Antipolo, nasunog

By Len Montaño April 02, 2019 - 12:07 AM

Credit: Jakey Jakey Palentino

Sumiklab ang apoy sa warehouse ng pagawaan ng cupcake sa Sumulong Highway, La Colina Subdivision sa Barangay Mambungan, Antipolo City Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Antipolo, nagsimula ang sunog alas 6:30 ng gabi.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog.

Hindi agad naapula ang apoy dahil nahirapang pumasok ang mga bumbero bunsod ng masikip na kalsada.

Dakong 8:10 ng gabi nang magdeklara ng fire out.

Wala namang naitalang namatay o nasugatan sa sunog.

Iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng naabong ari-arian.

Sa Facebook video ni Jakey Jakey Palentino, makikita ang naglalagablab na apoy.

Ilang katao naman ang nanonood habang nilalamon ng apoy ang warehouse na nasa loob ng subdivision.

 

 

TAGS: Antipolo, BFP Antipolo, bodega, ikatlong alarma, masikip na kalsada, pagawaan ng cupcake, sunog, warehouse, Antipolo, BFP Antipolo, bodega, ikatlong alarma, masikip na kalsada, pagawaan ng cupcake, sunog, warehouse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.