Mga ‘premium bus’, solusyon sa trapiko sa EDSA-HPG

By Jay Dones December 03, 2015 - 04:14 AM

 

Inquirer file photo

Ang pagkakaroon ng mga tinaguriang ‘premium bus’ sa kahabaan ng EDSA ang isa sa mga nakikitang solusyon ng PNP-Highway Patrol Group sa matinding pagbibigat ng daloy ng trapiko sa naturang lansangan.

Sa paliwanag ni HPG Spokesperson Supt. Grace Tamayo, ang mga premium bus ay bibiyahe nang walang hintuan mula sa EDSA-North Ave. sa Quezon City hanggang sa EDSA-Ayala sa Makati.

Sa oras aniyang ito’y maipatupad, pupuwesto ang mga premium bus sa SM North EDSA at Ayala Ave.

Maari lamang ito magsakay at magbaba sa dalawang terminal na nabanggit.

Sakaling maipatupad, umaasa ang HPG na maeengganyo na ang mga motorist na huwag nang magdala ng sasakyan at sumakay na lamang sa mga ‘premium bus’

Kanila na aniyang iminungkahi sa mga bus operators na kung maari ay gawin ng mga itong ‘premium bus’ ang kahit isa sa kanilang mga bus na ibinabyahe sa EDSA.

Sa oras aniyang ito’y maipatupad, pupuwesto ang mga premium bus sa sa SM North EDSA at Ayala Ave.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.