BIR mag-iinspeksyon sa mga gasolinahan simula Hunyo
Magsasagawa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng surprise inspection sa mga gasoline station sa Metro Manila simula sa buwan ng Hunyo
Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa, ito ay para masuri kung mayroong hindi nabuwisang produktong petrolyo.
Simula sa Hunyo, dapat mayroon nang marka ng Bureau of Customs ang mga naipadalang krudo sa mga gas station.
Sinabi pa ni Guballa na layon din ng inspeksyon na mahuli ang lucrative petroleum smuggling business.
Nagiging sanhi kasi aniya ito ng pagkawala ng mahigit-kumulang P30 bilyong excise tax kada taon.
Makakasama sa inspeksyon ang mga technician ng fuel marking contrator na kinuha ng Department of Finance para pangunahan ang eksaminasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.