Magnitude 4.3 na lindol tumama sa Surigao del Norte
By Angellic Jordan April 01, 2019 - 10:35 PM
Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa Surigao del Norte, Lunes ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 36 kilometers Northeast ng General Luna dakong 5:55 ng hapon.
May lalim ang lindol na 10 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.