1,700 katao inilikas dahil sa bakbakan ng militar at NPA sa Negros Occidental

By Angellic Jordan April 01, 2019 - 09:59 PM

PHOTO by Carla Gomez/Inquirer Visayas

Inilikas ang nasa 1,700 katao makaraang sumiklab ang bakbakan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Moises Padilla, Negros Occidental.

Nagkaengkwentro ang 62nd Infantry Battalion troopers at nasa 20 miyembro ng NPA sa Barangay Quintin Remo, Lunes ng umaga.

Dahil dito, naantala ang graduation ceremony ng ilang paaralan sa lugar.

Apektado ang mga residente sa Sitio Santos-Santos, Sitio Lomlom at Sitio upper Mamballo sa Barangay Quintin Remo.

Nasa 800 na mga residente ang pansamantalang nananatili sa Quintin Remo Barangay proper, 500 sa Barangay Montilla at tig-200 sa Barangay Guinpanaan at Barangay Poblacion.

Ayon kay Sr. Insp. Junji Liba, hepe ng Moises Padilla Police Station, napagpadala na ang pamahalaang lokal ng relief goods sa mga bakwit.

Ang mga umatakeng rebelde ang pinaniniwalang pumatay kay Councilor Jolomar Bañares-Hilario sa Barangay Inolingan noong araw ng Linggo.

Ayon kay Lt. Col. Egberto Dacoscos, 62nd Infantry Battalion commander, bineberipika pa ang impormasyon na nasawi ang 14 na rebelde sa engkwentro.

Isang sundalo naman ang sugatan habang tatlong improvised explosive device (IED) at kagamitan pang giyera ang nakumpiska ng mga sundalo sa bakbakan.

Patuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga nakatakas na rebelde sa lugar.

TAGS: 62nd Infantry Battalion troopers, bakbakan, bakwit, Councilor Jolomar Bañares-Hilario, Graduation, IED, inilikas, Lt. Col. Egberto Dacoscos, moises padilla, Moises Padilla Police Station, Negros Occidental, NPA, relief goods, Sr. Insp. Junji Liba, 62nd Infantry Battalion troopers, bakbakan, bakwit, Councilor Jolomar Bañares-Hilario, Graduation, IED, inilikas, Lt. Col. Egberto Dacoscos, moises padilla, Moises Padilla Police Station, Negros Occidental, NPA, relief goods, Sr. Insp. Junji Liba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.