Itinuro ng Philippine National Police (PNP) ang New People’s Army (NPA) na responsable sa pagpatay sa isang konsehal sa Negros Occidental.
Ayon kay Western Visayas regional police director Brig. Gen. John Bulalacao, nasa 50 komunistang rebelde ang umatake sa bahay ni Moises Padilla councilor Jolomar Bañares-Hilario sa Barangay Inolingan, Linggo ng umaga.
Nakatanggap aniya ng banta mula sa NPA ang biktima ilang linggo bago pagbabarilin sa kaniyang bahay.
Sinabi pa ni Bulalacao na nakasakay sa isang truck ang mga umatakeng rebelde.
Ayon pa sa opisyal, nahirapang rumesponde ang mga sundalo dahil sa mga hinarang na road blocks ng NPA.
Agad naman aniyang bumuo ng task group para sa mabilis na imbestigasyon sa krimen.
Ipinag-utos na rin aniya ang mas mahigpit na operasyon laban sa mga terorista.
Tumatakbo si Hilario para sa nalalapit na 2019 midterm elections.