Iginiit ng Palasyo ng Malakanyang na walang hinahawakang Facebook account o page si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos isara ng Facebook ang 200 pages at accounts na konektado kay Nicanor Gabunada Jr.
Si Gabunada ang nasa likod ng social media campaign ng Pangulo noong 2016 presidential elections.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang ideya ang Pangulo kung paano sinuportahan ng social media accounts at pages ang kaniyang kampanya.
Wala rin aniyang ginamit na pondo ng gobyerno para patakbuhin ang naturang mga page at account.
Noong Biyernes, sinabi ni Facebook Cybersecurity policy head Nathaniel Gleicher na tinanggal ang mga page at account dahil sa umano’y “misleading behavior.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.