3 kilo ng cocaine na inilagay sa coloring books nasabat sa NAIA

Nakumpiska ng National Bureau of Investigation o NBI ang tatlong kilo ng cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Nakuha ang kabuuang 3.29 kilos ng cocaine sa iikinasang operasyon sa Pasig at Pasay City.

Ayon kay Vicente De Guzman, N-B-I Deputy Director for Investigate Service, isinilid ang mga kontrabando sa mga pambatang libro na patungo sanang Thailand.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaresto kina Ma. Clara Bedico, Alvin Jr. Avila at Antonette Mendiola.

Read more...