Pilipinas naghain ng bagong diplomatic protest laban sa China

By Angellic Jordan April 01, 2019 - 03:21 PM

Naghain na ng diplomatic protest ang Pilipina laban sa China dahil sa presenya ng ilang Chinese vessel malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Sa press briefing sa palasyo, inanunsiyo ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang paghahain ng diplomatic protest sa China.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Panelo ukol sa protesta.

Dagdag pa nito, babanggitin niya ang isyu kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa gagawing pulong sa Malacañang mamayang hapon.

Samantala, isinalarawan naman ni Panelo na ‘exaggerated’ ang lumabas na report kung saan sinabing nasa 600 Chinese vessel ang umiikot-ikot sa Pag-asa Island.

Nauna dito ay sinabi ng ilang residente sa Kalayaan Island sa Palawan na hinaramh sila ng ilang Chinese fishing vessel sa lugar kaya hindi sila makapangisda sa mga lugar na dati nilang pinupuntahan malapit sa mga pinag-aagawang isla.

TAGS: Chinese Ambassador Zhao Jianhua, jianhua, Pag-Asa Island, panelo, Chinese Ambassador Zhao Jianhua, jianhua, Pag-Asa Island, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.