Ayon sa kalihim kapag naibigay na ng PDEA ang pangalan ng mga prosecutors at may matibay na ebidensiya laban sa mga ito ay gusto niyang siya mismo ang mangunguna sa fact-finding investigation.
Kapag papayag din umano ang PDEA na magbigay ng initial intelligence information laban sa mga prosecutors ay willing naman ang Department of Justice (DoJ) na magsagawa ng parallel investigation kasama ang PDEA.
Nanindigan si Guevarra na mahigpit na ipatutupad ng DoJ ang zero tolerance policy sa mga government officials na sangkot sa iligal na droga na direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.