10 piskal na nasa narcolist ni Duterte, paiimbestigahan

By Ricky Brozas April 01, 2019 - 01:15 PM

Plano ni Justice Sec. Menardo Guevarra na pangunahan ang imbestigasyon sa 10 prosecutors na kasama sa narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa kalihim kapag naibigay na ng PDEA ang pangalan ng mga prosecutors at may matibay na ebidensiya laban sa mga ito ay gusto niyang siya mismo ang mangunguna sa fact-finding investigation.

Kapag papayag din umano ang PDEA na magbigay ng initial intelligence information laban sa mga prosecutors ay willing naman ang Department of Justice (DoJ) na magsagawa ng parallel investigation kasama ang PDEA.

Nanindigan si Guevarra na mahigpit na ipatutupad ng DoJ ang zero tolerance policy sa mga government officials na sangkot sa iligal na droga na direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: DOJ, narcolist, prosecutors, DOJ, narcolist, prosecutors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.