45 miyembro ng CPP- NPA sumuko sa Calabarzon

PNP Photo

Aabot sa 45 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Police Regional Office – Calabarzon.

Ang 45 rebelde ay kinabibilangan ng 19 na kababaihan at 26 ang mga lalake na miyembro ng iba’t ibang grupo na naka-umbrella sa CPO-NPA, kabilang ang Milisyang Bayan (MB), Kontak, Baseng Masa and Organisadong Masa sa ilalim ng Komiting Larangan Girilya (KLG) Cesar, Sub- Region Military Area (SRMA – 4A ).

Ang pagsuko ng mga rebelde ay sa pakikipagtulungan na rin ng kanilang “Puning Tribo” na nakasasakop sa kanilang lugar.

Sa pagsuko ng mga rebelde kasunod ang pagkumspika ng pamahalaan ng iba’t ibang armas, gaya ng 7 riffle, 7 shotgun, 11 handgun at iba’t ibang pampasabog at mga bala.

Kabilang sa sumuko si “Ka Cyrus”, na aminado na kabilang sa umatake sa isang himpilan ng PNP sa Panukulan, Quezon province.

Kabilang din siya sa pag-ambush sa SAF troopers in Antipolo City, apat dito ang patay, lima ang kanilang na nahuli kabilang ang 2 sugatang personnel.

Si Ka Cyrus ay former NPA Platoon leader at aminado na nagkaroon ng relasyon kay Ka Sophia mula sa U.P Diliman.

Pinapurihan naman ni Regional Director, P/Brig. Gen. Edward Carranza ang pagsusumikap ng tropa ng pamahalaan sa pagsuko ng mga rebelde.

Read more...