PDEA gustong makita ang resulta ng random drug tests ng 2 malaking TV network

By Jimmy Tamayo April 01, 2019 - 11:37 AM

Nanindigan ang dalawang malaking TV networks na nagpapatupad sila ng drug-free workplace.

Sa isang statement sinabi ni ABS-CBN Corporate communications head Kane Errol Choa na mahigpit ang patakaran nila sa mga empleyado kasama na ang mga talents at third patry contractors na sumasailalim aniya sa random drug tests.

Aniya, nakasaad sa mga kontrata at bahagi ng obligasyon ang pagsasailalim sa drug tests.

Nanindigan ang opisyal na hindi papayagan ang pag-gamit ng iligal na droga at sinumang lumalabag sa patakaran ay pinapatawan ng kaukulang parusa.

Naglabas ng kaparehong kalatas ang GMA 7 kasabay ng pagtitiyak na nagpapatupad ang kompanya ng drug free policy.

Sa kabila nito, sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino na bagamat kapuri-puri ang ginagawa ng dalawang TV networks nais niyang makita ang resulta ng mga random drug tests.

Nauna nang sinabi ng PDEA na mayroong 31 celebrities ang nasa drug watchlist ng ahensya.

Dahil dito, hinamon ng PDEA ang malalaking TV networks at mga film company na isailalim sa drug testing ang kanilang mga artista.

TAGS: ABS-CBN, drug tests, GMA 7, PDEA, War on drugs, ABS-CBN, drug tests, GMA 7, PDEA, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.