Ang mga nagtapos sa K-12 o second year college, may edad na 18 hanggang 23 ay maaaring makapasok sa scholarship grants na inaalok ng Kao Yuan University at Khun Sun University sa Tainan at Kaoshung.
Ito ay para sa mga Filipino na kukuha ng mga kurso sa CNC (Computer Numerical Control) Machining, isang proseso na gamit sa sektor ng manufacturint gamit ang computer na magpalagalaw sa machine tools.
Ayon sa kilalang labor and recruitment expert na si Emmanurl Geslani, ang orientation kasabay ng examinations para sa school-year 2019-2020 ay isasagawa ngayong buwan sa Philippine Christian University sa Manila.
Ang kampanya na ito ay bahagi ng polisiya ng Taiwan upang maengganyo ang mga estudyante na mag-aral at matuto ng CNC at magtrabaho sa nasabing bansa na nangangailangan ng tinatayang 300,000 dayuhang manggagawa.