Maraming paraan upang maiayos ang kondisyon ng mga mamamayan sa Zamboanga Del Norte – Rep. Jalosjos
Upang personal na matukoy ang suliranin ng mga residente, iniikot ni Zamboanga Del Norte 1st Dist. Rep. Seth Frederick “Bullet” Jalosjos maging ang malalayong barangay sa lalawigan.
Sakay ng motorsiklo, kasama ang “MotorMo” na grupo ng mga riders at volunteers, sinimulang ikutin ni Jalosjos ang mga remote barangay sa Zamboanga Del Norte bago pa man mag-umpisa ang election period.
Sinabi ni Jalosjos na nais niyang malaman first hand, ang totoong sitwasyon ng mga residente. Sa pamamagitan nito, malalaman umano niya kung ano ang mga pangakong bibitiwan niya na kaniyang kayang tuparin.
Si Jalosjos ay tumatakbong gobernador sa lalawigan sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago.
Ang Zamboanga Del Norte ay kabilang sa top ten poorest provinces sa bansa. Pero ayon kay Jalosjos sa dami ng resources ng lalawigan, maraming paraan upang maiayos ang kondisyon ng mga mamamayan nito.
Kailangan lang aniyang ilatag ang mga prayoridad, at ito ang dahilan kaya mahalang may plataporma ay masterplan ang mga nais mamuno sa lalawigan.
Mahalaga aniyang nakatutok sa pangarap at pangangailangan ng mga residente ang sinomang nais maluklok.
Dahil dito, pinayuhan ni Jalosjos ang mga botante na pakinggang Mabuti ang lahat ng binibitiwang salita ng mga kandidato, mapa-lokal man o sa national.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.