Oil price rollback ipatutupad ngayong linggo

Matapos ang pitong sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay isang kakarampot na rollback ang ipatutupad sa linggong ito.

Sa anunsyo ng Shell at Petro Gazz, may P0.30 kada litrong bawas sa diesel habang P0.10 naman sa kada litro ng gasolina.

Ang gaas ng Shell ay may tapyas din na P0.20 kada litro.

Kapwa epektibo ang oil price rollback ng dalawang kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes.

Inaasahan namang mag-aanunsyo na rin ngayong araw ng rollback ang iba pang oil companies.

Read more...