Higit 37,000 kilos ng basura nakuha sa cleanup sa mga estero sa Metro Manila

By Rhommel Balasbas April 01, 2019 - 03:01 AM

Pinalawig ng mga opisyal ng gobyerno ang paglilinis sa mga estero at ilog na konektado sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon ng dagat.

Pinangunahan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu at mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isinagawang cleanup araw ng Linggo.

Nagtungo ang mga opisyal sa Estero de Magdalena na nauna nang pinuna dahil sa sangkaterbang basura.

Ayon kay Cimatu, dapat munang ituon ang atensyon sa pinagmumulan ng problema at ito ay mga basura at colliform na nanggagaling sa informal setllers.

Kapag naresolba anya ito ay lilinis na ang Pasig River at ang Manila Bay.

Ayon kay DENR Usec. Jonas Leones, 1,980 volunteers ang tumulong kahapon sa paglilinis sa mga estero na nagresulta sa pagkakakolekta ng 37,103 kilo ng basura na nailagay sa 5,301 na sako.

Samantala, dinaluhan din nina Cimatu at mga opisyal ang signing of commitment ng mga barangay officials sa pagpapanumbalik ng kalinisan sa Tullahan-Tenajeros River system.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, sa nakalipas na tatlong linggo ay aabot sa 1.2 milyong kilo ng basura na ang nakuha ng mga baranggay at volunteers sa mga ilog at estero sa Metro Manila.

Binalaan ni Año ang mga opisyal ng baranggay na mahaharap ang mga ito sa karampatang mga parusa kapag hindi nakiisa sa lingguhang cleanup.

TAGS: clean up, DENR Sec. Roy Cimatu, Department of Environment and Natural Resources (DENR), estero, Manila Bay rehab, River, clean up, DENR Sec. Roy Cimatu, Department of Environment and Natural Resources (DENR), estero, Manila Bay rehab, River

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.