Mt. Apo pansamantalang sarado sa mga hikers

By Rhommel Balasbas April 01, 2019 - 03:27 AM

Simula ngayong araw, April 1 ay pansamantalang sarado ang Mt. Apo para sa mga hikers.

Ito ay para maiwasan ang ang pagsiklab ng forest fires ngayong nararanasan ang El Niño.

Noong March 28, naglabas ng temporary closure order ang Protected Area Management Board (PAMB) sa Sta Cruz Davao del Sur trails na nakasasakop sa Sta. Cruz, Bansalan at Digos.

Sa ilalim ng kautusan, bawal ang climbing, trekking, camping at iba pang aktibidad.

Nauna na ring isinara ang North Cotabato trails noong March 7.

Magugunitang nasunog ang daan-daang ektaryang bahagi ng Mt. Apo noong 2016.

Ang mga nagplano na ng trips sa Mt. Apo ay pinayuhang kumuha ng refund o hindi kaya ay magpareschedule.

Sinumang lalabag sa kautusan ng PAMB ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9237 o Mt. Apo Protected Area Act of 2003.

TAGS: El Niño, Mt. Apo, Mt. Apo Protected Area Act of 2003, Mt. Apo trails temporarily closed, Protected Area Management Board (PAMB), El Niño, Mt. Apo, Mt. Apo Protected Area Act of 2003, Mt. Apo trails temporarily closed, Protected Area Management Board (PAMB)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.