Implementasyon ng one-time Bill Waiver Program ng Manila Water simula na ngayong araw

By Rhommel Balasbas April 01, 2019 - 04:36 AM

Simula ngayong Lunes, April 1 ay ipatutupad na ng Manila Water ang one-time Bill Waiver Program para sa kanilang mga customers.

Ito ay kaugnay ng naranasang water shortage ng mga customers ng Manila Water nitong mga nakalipas na linggo.

Ang unang 10 cubic meters ng March consumption ng lahat ng customers ay hindi na sisingilin at ibabawas sa April bill.

Habang ang severely affected barangays naman o yaong walang mga tubig sa loob ng 24 oras sa loob ng 4 araw o higit pa mula March 6-31 ay hindi na babayaran pa ang kanilang nakonsumo.

Sa sample computation ng Manila Water, ang costumer na may 30 cubic meters na konsumo na sisingilin dapat ng P696.76 ay sisingilin na lamang ng P541.65.

Ang nabawas ay P138.49 na katumbas ng 10 cubic meter waiver.

Kaugnay nito, inilabas na ng Manila Water ang partial list ng 44 severely affected barangays.

Sa validation ng Manila Water ang mga sumusunod na baranggay ang pinakaapektado ng water crisis:

Addition Hills sa Mandaluyong
Barangka Drive sa Mandaluyong
Plainview sa Mandaluyong
Highway Hillls sa Mandaluyong
Hulo sa Mandaluyong
Kapitolyo sa Pasig
Bagong Ilog sa Pasig
Oranbo sa Pasig
Upper Bicutan sa Taguig
at Mambog sa Binangonan

Samantala, nilinaw ng Manila Water na mayroong mga baranggay na ilang mga bahagi lamang ang eligilble para sa full bill waiver program dahil ilan sa mga lugar ay hindi nawalan ng tubig.

Nasa 152,000 households ang makatatanggap ng full waiver para sa kanilang March consumption ayon sa Manila Water.

TAGS: manila water, March bill, one-time Bill Waiver Program, water crisis, manila water, March bill, one-time Bill Waiver Program, water crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.