Lalaki patay sa pamamaril sa Pasig City

By Rhommel Balasbas April 01, 2019 - 01:36 AM

Nasawi ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Pasig City araw ng Linggo.

Ayon sa Pasig Police, ang biktima ay kinilalang si Michael Padua, 39 anyos at residente ng Barangay Pinagbuhatan.

Nililinis lamang umano ng biktima ang kanyang motorsiklo nang sumulpot ang mga suspek na sakay ng itim na motorsiklo at siya ay pagbabarilin nang malapitan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng baril na ginamit sa pamamaslang.

Patuloy na tinutugis ang mga pulis ang mga suspek at inaalam ang motibo sa krimen.

TAGS: Pasig City, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Pasig City, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.