Binay at Roxas, nasa likod umano ng mga kaso laban kay Poe

By Jay Dones December 03, 2015 - 12:28 AM

 

Inquirer file photo/Raffy Lerma

Aminado si Sen. Grace Poe mas tumitindi na ngayon ang mga sumusubok at pumipigil sa kaniyang kandidatura sa pagkapangulo.

Hindi man tahasang pinangalanan ni Poe ang mga hinihinala niyang nasa likod ng mga disqualification cases laban sa kaniya, pahapyaw niyang sinabi na sina Vice President Jejomar Binay at administration presidential bet Mar Roxas ang may kagagawan nito.

Nang tanungin ang senadora kung sino sa tingin niya ang mga masugid na pumipigil sa kaniyang kandidatura, itinuro niya ang dalawa niyang katunggali.

“Eh di yung mga katunggali ko na dalawa na sigurado ako may mga taong ’yun na nagpaharap ng mga kasong yun,” ani Poe.

Kitang-kita naman aniya na ang mga responsable sa pagpapa-disqualify sa kaniya ay iyong mga may malalakas na koneksyon at kaalyado.

“Alam na ninyo ang mga koneksyon. Basta ganito, makikita naman ninyo sa mga galaw nila. Sino bang may mga koneksyon sa may malalakas na mga law firm? Sino bang alam nating mga dati pang kaalyado ng mga ibang tumatakbo?” dagdag niya.

Gayunman, hinamon niya ang mga sumasalungat sa kaniya na itapon na ang lahat ng mga pang-bala sa kaniya dahil handa siyang tanggapin ang mga ito at ilaban sa tamang paraan.

Aniya sa dami ng mga ibinabato sa kaniya, mas lalo siyang tumatapang na ipaglaban ang kaniyang mga isinusulong na para sa kaniyang mga kababayan at hindi lamang sa pansariling interes.

Naniniwala aniya siya sa kaniyang pakiramdam na mayroon talagang nangungunang responsable sa mga kinakaharap na pagsubok ng kaniyang kandidatura.

Tumanggi naman si Poe na diretsahang tukuyin kung sina Binay at Roxas nga talaga ang kaniyang pinaghihinalaan.

Ang tangi lamang niyang iginiit, ay na paniguradong katunggali niya ang nasa likod ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.