Sa kanyang dalawang araw na Papal visit sa naturang bansa, iginiit ng Santo Papa ang kahalagahan ng inter-faith dialogue.
Ang Morocco ay isang pre-dominantly Muslim country na mayroon lamang 23,000 Katoliko na karamihan ay expatriate Europeans, at sub-Saharan African migrants.
Sa kanyang pulong sa mga lider ng isang Catholic community sa Rabat’s Cathedral, sinabi ni Pope Francis na hindi lumalago ang Simbahan sa pamamagitan ng ‘proselytism’ kundi sa pamamagitan ng kusang pagkabighani.
Ayon sa Santo Papa, ang misyon ng bawat binyagang Katoliko, pari at mga nasa buhay konsegrada ay hindi nasusukat sa dami ngunit sa pamamagitan ng kakayahan ng mga itong magpatupad ng pagbabago at maging instrumento ng habag.
Hindi anya problema ang kaliitan ng bilang kundi ang kawalan ng saysay.
“The problem is not when we are few in number, but when we are insignificant,” dagdag ng Santo Papa.
Naniniwala rin si Pope Francis na ang mga Katoliko ay tinawag para maging bahagi ng inter-religious dialogue sa mundo na hinahati ng karahasan.