Pinsala sa agrikultura ng El Niño umabot na sa P4.35B
Umabot na sa P4.35 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng umiiral na weak El Niño ayon sa pinakahuling datos ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng Department of Agriculture (DA) araw ng Linggo, March 31.
Ang naturang halaga ay lubhang mas malaki sa P1.33 bilyon na naitala noong March 19.
Ayon sa DA, ang mga napansilang pananim ay umabot na sa 233,007 metriko tonelada (MT) at ang lupang pansakahang apektado ay may lawak na 149, 494 hectares.
Mula sa 84,932 noong March 19 ay lumobo na rin sa 138,859 ang naapektuhang magsasaka.
Pinakaapekto ang produksyon ng palay na nagtala na ng P2.69 bilyong pinsala katumbas ang 125,589 metriko tonelada.
Ang production loss naman sa mais ay umabot na sa P1.66 bilyon katumbas ng 107,416 MT.
Lumalabas din sa ulat na Cordillera Administrative Region ang pinakanasalanta ng El Niño.
Nakapaglabas na ng P18.3 milyon ang gobyerno para sa cloud seeding kung saan tatlong operasyon na ang naisagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.