Lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City

Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos pagbabarilin sa Molave St., Payatas, Quezon City, Linggo ng gabi.

Ayon sa isang lalaki malapit sa pinangyarihan ng krimen, pinagbabaril ang biktima habang naglalakad kasama ang kanyang asawa.

Umalis ang asawang biktima para humingi ng tulong ngunit hindi na ito nakabalik hangga’t sa maproseso ng SOCO ang bangkay ng biktima.

Higit dalawang oras na nakahandusay ang lalaki bago pa maproseso ng SOCO.

Nadamay pa ang isang truck na nakaparada lamang malapit sa pinangyarihan ng krimen matapos itong matamaan ng bala sa windshield.

Ito na ang ikalawang insidente ng pamamaril sa Payatas sa loob lamang ng isang linggo.

Noong Miyerkules, isang lalaki rin ang pinagbabaril sa bahagi ng Payatas Road.

Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang suspek sa mga krimen at inaalam ang mga motibo rito.

Read more...